Wednesday, September 30, 2009

Yugto


At kahit pa ibahin ang yugto
ng ating tadhana...

umidlip man ang pag sinta
at dina tuluyang magising pa...

wag ka masyadong mag alala...

dahil kung minsan..

sumasaliw din ang damdamin sa tubig
at hangin at di maglalaon itoy muling iyong madarama.

Dalamhati


Nakiki-dalamhati ang langit
sa pag yaon ng pag ibig na
nag aalab

hindi makuhang maisip na ganun nalamang ang
lagim na naramdaman sa pag-kawala

Panay ang tanong at pangu-ngunyapit
sa katarungan di nakuha

at tila ba pati ang kalangitan ay
sumuko sa damdaming nawala.




-Para sayo ang
tula na ito R.I.P



Magtanim ng bagong panimula


Hindi na kailangan pa
na umiyak ang langit
para lang maramdaman natin sya,

Hindi sa pag-buhos ng kanyang luha
natin mararamdaman na huminto o
tayo'y tumigil na,

Hanggang kailan ka pa magiging manhid
sa pag-durusa na kanyang
tina-tamasa?

Hihintayin mo pa ba na maging manhid
siya katulad ng pagbabaliwala
natin sa kanya?