Thursday, October 8, 2009

Luntian

Anong kay lupit ng tadhana
at sayo ako'y kanyang inilapit
ang pagkakataong hindi inaasahan
ay binuhos nyang bigla
ang araw na hindi sumisikat sa
aking pusong bato ay biglang nag-liwanag
na para bagang tinutunaw sa init
Nung ito'y kasalukuyang hindi na humihinga

Sa bawat pahanon na ikay masilayan
ay munting ligaya ko
ang iyong boses na laging umaaling ngaw-ngaw
at ngiting pang-tunaw ay Hanap-hanap ko

Marahil ngay ang lahat ay may katuwang
kahit ang simpleng puno at mga halaman
ay kailangan ang tubig na nagmumulan sa ulan

At kung gayun man
Kasiyahan ko ang makapiling ka
ang yakap mo at halik ang mag sisilbing tubig ko
at ikaw lang ang magiging luntian
na panay kong masisilayan.

1 comment: